Unawain ang Iyong Bill

Pag-unawa sa Iyong Bill

Mahanap ang mga sagot sa mga tanong kaugnay sa iyong bill

Mayroon ka bang mga katanungan tungkol sa iyong PG&E bill? Matutulungan ka naming maunawaan ang iyong bill at sagutin ang lahat ng iyong mga tanong, tulad ng pagkumpara sa singil ng PCE at PG&E, rate, paggamit, at marami pang iba.

Pangkalahatang ideya

PCE at PG&E: Bakit pareho kaming lumalabas sa bill mo

Simple: Kami ang nagsusuplay ng iyong kuryente. PG&E ang naghahatid nito.

Bilang not-for-profit na mapagkukunan ng kuryente, nagbibigay kami ng mas mura at malinis na kuryente mula sa mga renewable na mapagkukunan. Pagkatapos, inihahatid ito sa inyo ng PG&E sa pamamagitan ng kanilang mga kawad. 

Isipin mo na mag-oorder ka ng takeout sa iyong paboritong restawran (iyon ang PCE) at ipapadala mo ito sa isang kumpanya na naghahatid ng pagkain (iyon ang PG&E) papunta sa iyo. Ganito ang sistema ng PCE at PG&E. Ipapadala rin sa iyo ng PG&E ang bill, na kabibilangan ng kanilang gastos sa paghahatid, pati na rin ang kuryente na nakuha mo sa amin—lahat sa isang bill.

Ang kuryente ng PCE ay mas mura kaysa sa PG&E.

Paano ito posible? Dahil kami ay isang not-for-profit na pampublikong ahensya, ang aming trabaho ay hindi upang kumita; ito ay para magbigay ng kuryente na abot-kaya hangga't maaari. At, bilang malaking bonus, ito ay malinis na kuryente—nang walang karagdagang bayad.

Ano itong "Electric Generation" charge sa bill ko?

Kung may makikita kang line item para sa "Peninsula Clean Energy Electricity Generation" sa iyong bill, magandang bagay iyon: para itong magic line ng iyong natitipid.

Ibig sabihin mas mababa ang iyong kabuuang gastos sa kuryente, dahil malinis ang nakukuha mong kuryente sa amin.  

Mukhang itong isang singil, pero hindi—ito ang halaga ng iyong kuryente. Makakatanggap ka rin ng credit mula sa PG&E, dahil hindi ka na gumagamit ng kanilang electricity generation.

Ano itong "Electric Delivery" charge sa bill ko?

Ang line item na ito ay ang gastos mula sa PG&E upang ihatid ang kuryente sa iyo at upang mapanatili ang kanilang mga linya ng kuryente at imprastraktura. Sinisingil ng PG&E ang mga customer nito at ang mga customer ng PCE ng parehong rate para sa mga singil sa paghahatid.

Tingnan ang iyong mga matitipid gamit ang calculator ng rate sa ibaba.

Unawain ang Iyong Bill

Pagpapaliwang sa iyong bill

Ipaliliwanag namin ang mga singil na nakikita mo sa iyong bill mula sa PG&E.

Ang video na ito ay magbibigay ng paliwanag ng mga sinisingil sa iyong buwanang bill mula sa PG&E.

Discount Calculator

Magkano ang natitipid ko?

Kalkulahin ang iyong matitipid gamit ang mga singil sa iyong bill.

Mas mababa ang babayaran mo para sa iyong kuryente mula sa PCE kaysa kung binili mo ang parehong kuryente sa PG&E. Gamitin ang calculator na ito upang malaman ng eksakto kung ano ang ibig sabihin nito para sa iyong buwanang badyet.

Suporta

Humingi ng tulong tungkol sa iyong bill

Hindi laging madaling intindihin ang mga utility bill. Nandito kami upang tulungan ka kung mayroon kang karagdagang mga katanungan.

Newsletter

Pagpapanatili ng kaalaman tungkol sa PCE

Nais mo bang manatiling may kaalaman tungkol sa pagsisikap ng PCE na magdala ng malinis at abot-kayang kuryente sa iyong tahanan?

Mga paglalarawan ng mga inisyatibo sa malinis na enerhiya: isang may-ari ng negosyo, solar powered na bahay, at EV charging station.